Eto ang blog ko, Useless man sa paningin mo, sharing 'to para sakin. Ako si Maria, tuloy kayo sa buhay ko.
Pambihira! sa sobrang pagka idolo ko kay Yeng Constantino eh sya naisip ko na unang i vector gamit ang Adobe Photoshop CS5. tamad akong tao eh. ngayon lang ako sinipag na gumawa ng ganyang mga bagay bagay, kasi sa mga ganitong gawain kailangan ng mahabang pasensya at ng pagtyatyaga. nakuntento naman ako sa gawa kong ito haha. :)) syempre first time ko e. salamat din sa aking SF ko na sumoporta sa pag gawa ko dito, haha :)) kasi kanina dapat susuko na ko. ang hirap kasi e. eh kaso ayun super chinicheer nya ako kaya tinuloy ko. syempre para narin kay yeng. kaya nga pala to kulay pink kasi peyborit color ni yeng eh color pink. :) tapos kaya ganyan din itsura ng gawa ko dahil ginaya ko lang rin to e. hehe mangagagaya ako e no. eto yung link ng tumbler na pinagayahan ko PAINTEDNUMBERS super nakaka inspire tong blog tapos si yeng tapos yung kaibigan ko. pag sinipag ako gagawa ulit ako. sana sipagin ulit. haha hayy super natutuwa talaga ako dito :)

tumblrbot: WHAT MAKES YOU FEEL BETTER WHEN YOU ARE IN A BAD MOOD?
I feel better pag nakausap ko na yung mahal kong kaibigan.
dahil wala naman ako ginagawa ngayon, naisipan kong ako nalang ang maglagay ng pyramid studs sa pinatahi naming gown. sobrang simple kasi kung wala. :) eto yung pyramid studs.
napakahirap maghanap neto. kung saan saan kami nakarating, sa divi sa quiapo sa bayan pero laging wala. kahit sa online shops wala rin. meron dapat sa divisoria pero out of stock naman daw. eto naman yung gown na kinakabitan ko ng studs
hindi pa to tapos, pero sana magustuhan ng magsusuot :)
eto yung kulay ng kuko ko sa paa at kamay ngayon. :D ang cute lang ^‿^
bukas araw na ng mga puso, naalala ko lang yung binigay saking rosas ng mahal ko. isang taon narin ang nakalipas nang huli nya akong binigyan nito.
tuyot na yung mga rosas pero yung amoy nandyan parin. itinago ko to kasi minsan lang mag bigay ng bulaklak yun. lagi kasi syang wala. meron pa akong isang naitagong rosas na binigay nya. at eto yun. 
4 na taon na ‘to. :) binigay nya nung js prom namin. inipit ko to sa libro kaya napipi na. hehe :) hindi naman ako mahilig sa bulaklak pero pag may nag bibigay sakin nito, wala, napapangiti nalang ako, syempre natutuwa :) di makakailang babae nga ako. :)